wanda-teo
By

Akbayan kay Sec. Teo: Kung may delicadeza ka, mag-resign ka na!

Sharing is caring!

Mas dapat umanong magbitiw sa puwesto si Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ngayong isasauli ng mga kapatid ang P60 milyon na ibinayad ng Department of Tourism (DOT) sa kanilang media company.

Ayon kay Gio Tingson, tagapagsalita ng partidong Akbayan, ang pagsasauli ng salapi ay pag-amin ng kasalanan.

Kung mayroon aniyang kahit ga-patak na delicadeza si Tulfo-Teo, bababa ito sa puwesto.

Idiniin na ang pagsasauli ng salapi ay hindi magtutuwid sa isang iligal na ginawa at hindi rin magpapahinto sa imbestigasyon.

“If she had an ounce of delicadeza, she would resign,” sabi ni Tingson.

“We are more convinced that the DOT is in the hands of an official who favors her family business over public service,” pahayag ni Tingson sa press statement nito na inilabas ng opisina ni Akbayan Senator Risa Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?