310

Aug 12, 2021 @ 15:14
By

Akbayan kay Duterte: Kasalanan mo pagbabayaran mo rin

Nagbabala ang Akbayan Partylist kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes na darating din ang araw na haharap siya sa korte para pagbayaran ang kanyang mga kasalanan sa bayan.

Sa isang press release, ginawang halimbawa ng Akbayan ang ginawa ng pamahalaan ng Sudan kung saan sila mismo ang nagsuko sa kanilang diktador na si Omar al-Bashir sa International Criminal Court (ICC).

Si al-Bashir ay nahaharap sa mga kasong genocide, war crimes at crimes against humanity.

Para sa Akbayan, sunod na si Duterte sa mga yapak ni al-Bashir.

“This is the same fate that awaits Mr. Rodrigo Duterte. After Omar al-Bashir, the world will come after Duterte. Today, it is al-Bashir. Tomorrow, it is Duterte,” saad sa pahayag.

Ayon sa partylist, nalalapit na ang pagbabayad ng pangulo sa kanyang mga nagawa lalo’t ilang beses nang nagnais ang ICC na imbestigahan ang kanyang madugong war on drugs.

“Duterte’s days are drawing to a close. The long arm of the law will eventually catch him. Justice will find its way and in the end, prevail,” saad pa ng Akbayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?