87

Jun 11, 2021 @ 16:25
By

Akbayan hinamon Makabayan: Kondenahin lahat ng pang-aabuso ng NPA

Hinamon ng Akbayan party-list ang Makabayan bloc na kondenahin ang lahat ng karahasan at pang-aabuso ng New People’s Army (NPA) sa buong 52 taong rebelyon nito.

Kasunod ito ng pagkondena ng Makabayan sa pagkamatay ni Far Eastern University football player Kieth Absalon at SENTRO trade union leader Nolven Absalon sa kamay ng NPA sabay papuri sa armadong grupo sa pag-ako sa buong responsibilidad sa pagkamatay ng mga nabanggit.

Ayon sa Akbayan, hindi dapat maging “selective” ang Makabayan bloc sa pagkondena nito sa mga pang-aabuso ng NPA.

Dagdag nila, hindi rin maaaring kumondena sabay papuri sa NPA.

“While the Makabayan bloc’s condemnation of the NPA’s killing of civilians in Masbate is a welcome respite to its long silence at the armed group’s violence and impunity, it should denounce all the atrocities and abuses the NPA has committed against the public, including its extortion activities, recruitment of child soldiers, and the assassinations and threats of violence against progressive leaders and organizations,” lahad ni Akbayan spokesperson Dr. RJ Naguit.

“The Makabayan bloc cannot condemn a single act of violence because of strong public backlash, and ignore the rest of the NPA’s crimes because they don’t land on today’s front page. Selective condemnation is permission,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?