165

Nov 21, 2021 @ 21:57
By

Akala plastik! Lolo sinakmal ng buwaya

Sugatan ang kaliwang braso ng isang lolo sa Cagayan de Oro City ngayong Linggo matapos atakihin ng buwaya na nilapitan umano nito para magpakuha ng litrato dahil inakala niyang plastik ito.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, inupload ang video kung saan makikitang duguan ang lolo matapos umahon sa kulungan ng mga buwaya na nasa loob ng isang resort kung saan siya nahulog matapos hatakin ng naturang hayop.

Batay sa testimonya ng uploader ng video, lumapit ang lolo sa buwaya para magpakuha ng litrato dahil akala niya’y gawa lang ito sa plastik.

Sinagot naman umano ng may-ari ng mga buwaya ang pagpapagamot sa lolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?