10,218

Jan 8, 2022 @ 19:12
By

AJ sa love scene kay Sean: ‘Nandun talaga ‘yung love’

Ipinagmalaki nina AJ Raval at Sean De Guzman na komportable na sila sa isa’t-isa lalo na sa mga love scene.

Ito ang kanilang ibinahagi sa virtual media conference ng bago nilang pelikula na pinamagatang ‘Hugas.’

“Sa mga maiinit na eksena, hindi na kami talaga naiilang. Kung magkakitaan man kami ng kung anu-anong parte ng katawan namin, wala na kaming pakialam po dun. Everything turns out well naman,” saad ni Sean.

“Hindi na kami nagkakahiyaan, so mas lalong naging deep yung bonding namin, yung samahan namin. Yung ginawa namin na mga love scene, nandun talaga yung love,” pahayag naman ni AJ.

Ngunit paglilinaw ni AJ, sadyang close lang sila ni Sean bilang magkaibigan.

“We know each other’s secrets, we talk about our problems. We would also comfort each other. We are really just friends,” saad pa ng aktres.

Ang ‘Hugas’ ang ikatlong proyekto nina AJ at Sean na magkatambal sila.

Ipapalabas ito sa Enero 14 sa Vivamax.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?