47

Oct 7, 2021 @ 17:06
By

AJ sa landian nila ni Aljur: Wala akong tinatapakang ibang tao

“To be honest, wala naman din po akong care sa sasabihin ng ibang tao as long as masaya po ako, wala po akong tinatapakang ibang tao.”

Ito ang sampal na statement ni AJ Raval sa mga netizen na maraming sey sa namamagitan sa kanila ni Aljur Abrenica.

Kaugnay ang pahayag matapos umalingawngaw ang balitang may namumuong magandang samahan sa dalawa.

“Alam ko po ang ginagawa ko. Alam ko po ang priorities namin. So, siguro po yun lang po. Wala na rin po akong care.

Hindi ko lang po iisipin as long as wala naman po akong tinatapakang tao,” pahayag niya.

Pag-amin naman ni AJ, nasa “getting to know” at ligawan stage pa lang sila ni Aljur.

“Parang old school po. Pumupunta po siya sa father ko, nagpapaalam po siya sa mother ko, sa family ko,” kwento niya sa isang panayam.

“Hindi naman po natin masisisi yun dahil babae po ako. Tinatanggap naman po siya.”

Si Aljur ay may dalawang anak sa dati niyang partner na si Kylie Padilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?