114

Jan 11, 2022 @ 16:37
By

AJ Raval, Sean de Guzman maghuhugasan

Maghuhugasan sa bago nilang pelikula sina AJ Raval at Sean de Guzman.

Paliwanag ni AJ, “Marami kasing ibig sabihin ‘yung hugas, hugas ng kasalanan, hugas ng nakaraan. Si Liezel, which is ako, at si Al, which is si Sean de Guzman, kami ang magmamamahalan sa ‘Hugas’ at maghuhugas ng nakaraan.”

Ang pelikulang “Hugas” ang unang pagsabak sa action ng sexy star na si AJ.

“Si Liezel, hindi siya nakapag-aral, hindi siya makakuha ng work, taga-probinsya. Pagdating niya sa Maynila akala niya sales lady papasukan niya ‘yun pala, papasok siya sa sindikato at doon niya nakilala si Al,” dagdag ni AJ.

“Si Al, matapang siya na tao. Wala siyang pakialam sa kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa ni Liezel,” sambit naman ni Al.

Simula Enero 14, mapapanood na sa Vivamax ang “Hugas”, kung saan kasama ang mga aktor na sina Jay Manalo at Joko Diaz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?