62

Oct 6, 2021 @ 15:25
By

AJ Raval pumiyok sa real score nila ni Aljur: We care for each other

Isiniwalat na ni AJ Raval ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Aljur Abrenica.

Ani AJ, nagkakaintinidahan sila ng aktor at pareho silang may ‘care’ sa isa’t isa.

Ngunit paglilinaw niya, wala pa silang relasyon dahil nasa ‘getting to know’ stage pa lang sila.

“Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny. Well, totoo naman na nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other,” matapang na sey ng aktres.

“Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know,” dugtong niya.

Matatandaang naging magkatrabaho ang dalawa sa pelikulang “Nerisa.”

Kasalukuyang 26 anyos na si AJ samantalang 31 anyos naman ang aktor na may dalawang anak kay Kylie Padilla. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?