1,317

Nov 24, 2021 @ 13:15
By

AJ Raval nabuking sa ‘mention your crush’ challenge

Inulan ng ‘laughing’ reaction ang komento ng aktres na si AJ Raval sa ‘mention your crush’ challenge sa Facebook dahil inilantad niya ang pangalan ng hinahangan at hindi ito gaya ng inaasahan.

Ang video creator na si Chad Kinis ang nagpost ng ‘mention your crush’ challenge sa kanyang Facebook page noong Nobyembre 22, na sa ngayon ay may mahigit 18,000 comments at 656 shares na.

Ngunit agaw-pansin sa lahat ang komento ni AJ.

“Hi crush Wilbert Ross,” saad ni AJ sa kanyang komento, na nilagyan pa niya ng smiley.

Si Wilbert ay sumikat bilang miyembro ng grupong Hashtags sa ‘It’s Showtime.’

Nawindang naman ang mga nakakita sa komento ni AJ, na sa ngayon ay may 4,500 reactions, karamihan dito ay mga ‘laughing’ reaction.

Umani rin ng mahigit 800 reply ang komento ni AJ.

Marami ang nawindang sapagkat matatandaang nali-link ang young actress kay Aljur Abrenica, kung saan nakita pa silang magkasama sa isang mall. (mjd)

https://www.facebook.com/chadkinis/posts/434386188059211

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?