499

Oct 16, 2021 @ 9:48
By

AJ Raval itinangging kabit ni Aljur

Nagsalita na ang bagong pantasya ng bayan na si AJ Raval tungkol sa isyung siya ang third party sa break up nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Sa kanyang Facebook page na may mahigit 10 million followers, nilinaw ng sexy actress na hindi siya ang dahilan ng hiwalayan.

Mabuti raw siyang tao at hindi kayang gumawa ng masama.

“Just to be clear, hindi ako ang naging third party. Okay guys? mabuti akong tao at hindi ko kayang gumawa ng masama, kung maka bash naman kayo parang nakapatay ako ng tao hahaha,” saad ni AJ.

Nagpasalamat naman siya sa mga supporter niya.

“Thank you sa mga nakakaintindi at sa support na natatanggap ko na appreciate ko kayong lahat. Spread love not hate,” aniya.

Bukod sa pagiging aktres, isa ring social media star at YouTuber si AJ.

Anak siya ng action star na si Jeric Raval.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?