186

Oct 21, 2021 @ 17:25
By

AJ nag-public apology kay Kylie

Nag-sorry kay Kylie Padilla ang nililigawan ng estranged husband niyang Aljur Abrenica na si sexy actress AJ Raval.

Sa isang TikTok video, humingi ng paumanhin si AJ sa pag-share ng kontrobersiyal na Facebook post ni Aljur laban kay Kylie.

Aniya, hindi raw siya nakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa.

“Tungkol ‘to sa statement ni AJ (Aljur) na shinare ko. Gusto ko lang i-explain kung bakit ko shinare. Hindi naman sa nakikisawsaw ako sa issue. Shinare ko ‘yun kasi I’m trying to protect myself and my family also.

“People are accusing me sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Tinatawag nila akong kabit, tinatawag nila akong homewrecker, which is hindi naman totoo. Wala akong sinirang pamilya, never akong maninira ng pamilya,” pahayag niya.

Patuloy niya: “Well, noong una, tinatanggap ko pa ‘yung mga sinasabi sa akin ng mga tao. Pero ngayon na nadadamay na family ko, sobrang affected ako. ‘Yung nanay ko, nakikita kong umiiyak. Naapektuhan ako dun.

“Well, to be honest, wala talaga akong pakialam sa issue nila before. Narinig ko na ‘yun but never ako naglabas ng kahit anong statement dun, kasi wala talaga akong right magsalita tungkol sa issue na ‘yun. Sila lang dalawa lang ang puwedeng magsalita dun.

“I’m really sorry sa lahat ng mga naapektuhan. Sa mga nagalit, I’m really sorry. And also kay Kylie, I’m sorry kung shinare ko ‘yung statement na ‘yun. It’s not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself.

“Iyon nga lang, mali ‘yung way ko. Pero na-realize ko rin na baka tama kayo, I’m too immature and I need to grow. I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan at sa lahat po ng nagalit. Pasensya na po at sana mapatawad n’yo ako,” paliwanag pa niya.

@ajravsss

♬ original sound – Aj Raval

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?