10
views

By

AJ Lim magbabatak sa Tate

Sharing is caring!

Matapos ang pahinga at pagpapagaling ng kanyang balikat dahil sa tinamong injury, lilipad patungong Amerika ang 18-anyos na Pinoy netter na si Albert ‘AJ’ Lim, Jr., para magsanay sa darating na Asian Games sa Indonesia sa susunod na buwan at sa Southeast Asian Games sa Maynila sa susunod na taon.

Hindi nakapaglaro sa Davis Cup noong Abril sa Thailand si Lim matapos magtamo ng shoulder injury habang naglalaro sa University of the East (UE) sa UAAP noong Marso.

Dinala ni Lim ang UE sa championship ng UAAP at pinagpatuloy ang unbeaten season nito nang matalo si Ino Canlas ng Ateneo 6-1, 6-1 at nauwi din niya ang kanyang ikalawang Most Valuable Player (MVP) award sa UAAP.

Sasanayin si Lim ng dalawang Filipino-American coaches na sina Orlando Silvosa at Cecil Mamiit, na ilang beses na nagkampeon sa SEA Games.

“They’re much all experienced than us so we have to prepare hard,” ani Lim tungkol sa mga makakaharap ng Pilipinas sa Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?