83

Nov 29, 2021 @ 19:52
By

AJ hinamon: Diego hindi nambababae – Barbie

Hindi naniniwala si Barbie Imperial na niloloko siya ng dyowang si Diego Loyzaga at pumupuslit sa sexy actress na si AJ Raval.

Nagsimula ang tsismis kina Diego at AJ matapos sabihin ng social media personality na si Xian Gaza, na pinupuntahan ng una ang huli sa bahay nito sa Pampanga.

Matindi rin umano ang naging away nina Diego at Barbie sa isang hotel sa Tagaytay, kung saan nagkasira-sira ang mga gamit sa kanilang kuwarto.

Itinanggi itong lahat ni Barbie sa isang interview sa kanya ni Boy Abunda.

“Pinili namin mas maging strong. Ang hirap kasi first time ko na ‘yung lalaki na minahal ko, tinanggap ng mga tao,” ani Barbie.

Nalungkot daw si Barbie sa isyu at gustong komprontahin si Xian.

“Kilala ko si Diego, Tito Boy. Kilala ko po siya na lahat ng binibintang sa kanya, na nambababae siya, na pinupuntahan niya si AJ Raval sa Pampanga, hindi totoo ‘yon,” dagdag niya.

Hinamon din niya si AJ na magsalita sa isyu kung hindi totoong kabit ito ni Diego.

“If wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. So for me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-thing kayo ni Diego?” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?