76

Jul 1, 2019 @ 16:54
By ,

AJ Edu pasalamat sa mga nagdadasal para sa kanya

Nagpasalamat si Gilas Pilipinas Youth member AJ Edu sa lahat ng nagdarasal para sa kanyang agarang paggaling.

Sa unang sabak ng Pilipinas kontra Greece sa 2019 FIBA U-19 World Cup, uminda agad ng injury si Edu sa 7:57 ng opening salvo nitong Linggo (oras sa Pilipinas) dahil sa masamang pagbagsak nito.

Ayon sa medical report nito, nagtamo ang 19-anyos ng ACL tear at meniscus tear sa kanyang kanang tuhod at isang hairline fracture sa femur bone ng kanyang kanang binti.

Sa Twitter, nagpasalamat si Edu sa lahat at alam niya na may dahilan kung bakit nangyari sa kanya ito at sisiguruhin niya na babalik siya ng mas malakas.

“Looking up to him for guidance. We don’t always get why things happen, but it’s all for a reason. It’s all part of the journey,” tweet nito.

“I just want to thank everyone for the messages and prayers. The love from everyone has been amazing, it’s gonna be a process but I’ll be back stronger.”

Dahil sa tinamong injury ng 6-foot-10 Filipino-Nigerian ay hindi na ito paglalaruin sa mga natitirang laro ng tropa sa torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?