222

Dec 18, 2017 @ 12:46

AJ Banal, tagumpay sa pagbabalik sa lona

Tagumpay ang pagbabalik sa mundo ng parisukat na lona si AJ ‘Bazooka’ Banal matapos ang dalawang taon na pamamahinga, sa split decision win kontra Jason Egera.

Ang laban ng dalawang boksingero ay isa sa undercard match sa boxing event na ‘Knockout’ sa Makati Cinema Square Boxing Arena sa Makati City.

Pabor kay Banal ang iskor ng dalawa sa tatlong hurado, 58-56, 59-55 at 56-58.

Umakyat sa 35-2-1 at may 23 KOs ang kartada ni Banal habang bagsak sa 23-19-1 na may 11 knockouts si Egera.

Isa si Banal sa magagaling na boksingero ng bansa ngunit hindi pinalad na manalo noong 2008 sa world title makaraang patumbahin ni Rafael Concepcion sa 10th round ng World Boxing Association (WBA) super flyweight fight sa Cebu Coliseum.

May tiyansa sanang bumawi si Banal pagkaraan ng apat na taon ngunit kinapos pa rin sa 9th round kay Pungluang Sor Singyu sa World Boxing Organization (WBO) bantamweight title fight sa SM Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?