aiza-seguerra
By

Aiza, umiwas sa tsismis sa socmed

Sharing is caring!

Para maiwasan ang pagsulpot ng ‘fake news’ ukol sa kanyang pagbibitiw bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC), nagbigay na ng kanyang pahayag si Cariza ‘Aiza’ Seguerra.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Seguerra na personal niyang ipinaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 5 sa Malacañang ang dahilan ng kanyang pagbibtiw sa puwesto.

Ayon pa sa actress – singer naintindihan naman ng Pangulo ang kanyang dahilan.

Iginiit nito na nagpunta siya sa Malacañang para direktang malaman ang kanyang dahilan at hindi sa mga lalabas lang na tsismis sa social media.

Aniya pinasalamatan niya ang pangulo sa pagkakataon na ibinigay sa kanya, maging sa mga naging nakasama niya sa NYC sa loob ng isa at kalahating taon.

Ngunit hindi pa rin ibinahagi ni Seguerra ang tunay na dahilan ng kanyang pagbibitiw.

Sa kanyang social media post, hinikayat pa ni Seguerra ang mga kabataan na magkaisa sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga sentimyento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?