Aiza Seguerra, nagbitiw bilang National Youth Commission chair

Sharing is caring!

Sinabi umano ni Aiza Seguerra na nag-resign na siya bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC) na epektibo ng Abril 5, 2018.

Personal na rason ang dahilan ni Seguerra sa pagbibitiw nang makipagpulong ito kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 5.

Naitalaga si Seguerra bilang chairperson ng NYC noong Agosto 2016 na matatapos sana sa 2019.

Itinatag noong 1995, isang policy-making body para sa kapakanan ng mga kabataan ang NYC na nasa ilalim ng Office of the President.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?