71
air-strikes
Mar 17, 2018 @ 19:29
By

Airstrikes sa Syria kumitil ng 100 katao

Naglunsad na ng kanilang opensiba ang gobyerno ng Syria sa Damascus matapos mamatay ang may 100 na katao sa pinakawalang airstrikes sa naturang bansa nitong Biyernes kung saan marami rin ang sugatan.

Karamihan sa mga namatay ay mula sa eastern Ghouta.

Ang napakalaking death toll nitong Biyernes ay matapos aprubahan ng Syria ang pitong taon nitong marahas na civil war na kumitil na ng 450,000 katao at nag-relocate sa kalahati ng kanilang populasyon.

Ayon sa Britain-based Syrian Observatory for Human Rights, ang pambobomba at pagpapalitan ng putok ng gobyerno at puwersa ng Russia ay pumatay na sa 76 katao sa eastern Ghouta.

Panibagong 36 katao naman ang namatay sa Afrin sa northern Syria habang ilan ang nasawi sa airstrikes na tumama sa general hospital ng bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?