40
Cebu-Pacific
Mar 1, 2018 @ 18:19
By

Airport terminal fee puwedeng bawiin kung ‘di nakalipad – Poe

Maaring i-refund ng pasahero ang ibinayad na terminal fee sakaling hindi natuloy na makabiyahe.

Ayon kay Senador Grace Poe,chairman ng Senate committee on public services,karapatan ng pasahero na bawiin sa airline company ang ibinayad nilang terminal fee kung hindi sila natuloy na lumipad.

Ang terminal fee na P550 ay nababayaran kasama ng airline ticket.

Lumitaw sa pagdinig ng Senate committee on public services na may halos P250 milyon na ang naipon na terminal fee ng Cebu Pacific.

Halos ganito rin ang halagang naipon ng Philippine Airlines (PAL).

Hindi iyon nagagamit para sa pasahero kapag nakansela ang lipad ng eroplano o kaya ay kapag mismong pasahero ang hindi nakabiyahe.

Ayon kay PAL Senior Vice President Fred Mison, maaring ibalik sa pasahero ang terminal fee ngunit kailangang makipag-ugnayan sa kanila ang pasahero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?