55
arrested-kalaboso-arestado-huli
By

Airport police na wanted sa talbog na tseke, timbog sa Makati

Sharing is caring!

Arestado ang isang miyembro ng Airport Police na nagtatago dahil sa pag-iisyu ng talbog na tseke.

Ayon sa Warrant and Subpoena Section ng Makati Police, naaresto ang suspek na si Alexander Pagalyaman na nakatalaga sa headquarters ng Airport Police sa Pasay sa pinagtataguan nito sa Bongainvilla St. sa Barangay Pembo, Makati City Biyernes ng gabi.

Nabatid na ilang linggo nang nagtatago ang suspek na nahaharap sa dalawang kaso ng paglabag sa Batas Pambansa 22 o Bouncing Checks Law.

Pinatawan ni MTC Branch 78 Judge Ramsey Domingo Pichay ang suspek ng P4,000 piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?