131

Jul 6, 2020 @ 15:45
By

Airborne ang coronavirus – 239 siyentista

Ayon sa 239 siyentista mula sa 32 bansa, nananatili ang coronavirus sa hangin at posibleng makahawa sa mga tao.

Sa isang open letter sa ahensiya, sa ulat ng New York Times, nilahad ng mga siyentista ang mga patunay na kayang makahawa ng tao ang smaller particles ng naturang virus.

Bitbit man ng large droplets na nasa hangin matapos ang pagbahing, o ng mas maliliit na droplets na in-exhale sa isang silid, ayon sa mga siyentista, ang coronavirus ay nadadala sa hangin at kayang makahawa ng tao na makalalanghap nito.

Kaya naman hiniling nila sa WHO na baguhin ng ahensiya ang rekomendasyon nito hinggil sa virus.

Una nang binanggit ng World Health Organization na pangunahing naipapasa ang coronavirus sa pamamagitan ng small droplets mula sa ilong o bibig, kapag bumahing, umubo, o nagsalita ang isang COVID-19 positive na pasyente.

Balak ng mga siyentista na ilabas ang kanilang liham sa isang scientific journal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?