149

Jul 5, 2022 @ 15:35
By

Aira ipinagmalaki paghalik kay Skusta Clee sa kama

Proud na ipinakita ni Aira Lipata na siya na ang bagong kapiling sa kama ni Skusta Clee.

Sa kumalat na video sa social media, makikita si Aira na katabi sa kama ang rapper.

Hinalikan niya sa pisngi ang natutulog na si Skusta Clee

Ibinahagi ang video sa Facebook page na Isyus, na may 725K views na habang sinusulat ito.

Sinasabing si Aira ang diumano’y dahilan ng hiwalayan nina Zeinab Harake at Skusta, na may isa nang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?