81

By

Air strike sa Yemen, 29 bata patay

Sharing is caring!

Nasa 29 bata ang nasawi habang 30 pa ang sugatan matapos magpakawala ang Saudi-led coalition ng air strike sa Yemen.

Ayon sa report ng BBC, sakay ng bus ang mga bata nang tamaan ng air strike sa isang palengke sa Dahyan, Saada.

Pabalik na sana ang mga bata sa eskuwelahan mula sa picnic nang huminto muna ang driver para uminom kaya nasapul ng air strike.

Sabi ng coalition, na tumutulong sa gobyerno ng Yemen sa giyera laban sa Houthis, “legitimate” umano ang ginawa nila.

Hindi umano nito sinasadya na tamaan ang mga sibilyan.

Taliwas ito sa akusasyon ng human rights groups na binobomba ng koalisyon ang mga palengke, eskuwelahan, ospital at residential areas sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,