boracay

Air quality monitoring station, ilalagak sa Boracay

Sharing is caring!

Plano ng Environmental Management Bureau (EMB) sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na maglagay ng air quality monitoring station sa Boracay Island sa susunod na taon.

Layon nito na lalo pang paigtingin ang inisyatibo ng gobyerno na malinis ang kilalang tourist spot.

Ayon sa EMB, madali nitong mamomonitor ang mga pagbabago sa kalidad ng hangin sa Boracay at matutugunan agad ito.

Kabilang sa makakadagdag sa polusyon sa hangin ay ang mga establisiyimento na may nakaantabay na generators.

Matatandaang nalagay sa isyu ang kalinisan sa nasabing isla dahil ilan sa mga istrukturang nakatayo dito na nakakasira umano sa kalikasan at kamakailan pa nga ay nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang Boracay dahil sa dumi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?