87

Jan 3, 2018 @ 16:53
By

Air pollution level sa MM noong Enero 1, bumaba

DAHIL sa pagbabawal na sa paggamit ng mga paputok, malaki ang naging pagbaba ng air pollution level sa ilang bahagi ng Metro Manila noong Bagong Taon.

Ayon kay Jerry Capulong, officer in charge ng DENR Enviromental Management Bureau Air Quality Monitoring Division, hatinggabi ng December 31, sa Navotas City Hall naitala ang pinakamataas na pagbaba na 84 porsiyento kumpara sa naitala nila noong December 31, 2016.

Noong 2016, nakapagtala sila sa Navotas City Hall ng 454 particulate matter 2.5 at nitong nakalipas na pagsalubong ay 71 particulate matter lang ang kanilang naitala.

Sa Paranaque City, 83 percent ang naging pagbaba, 59 percent naman sa Taft Avenue, Manila at 46 percent naman sa Pasig City.

Paliwanag ni Capulong ang Particulate Matter 10, ang mga pollutants sa hangin ay umaabot hanggang baga, samantalang umaabot hanggang sa daluyan ng dugo sa katawan ng tao ang pollutants sa Particulate Matter 2.5. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?