37

Nov 22, 2021 @ 18:05
By

Air Philippines binigyan ng bagong prangkisa ng Kamara

Inaprubahan ng Kamara de Representantes ang panukala na i-renew ang prangkisa ng Air Philippines Corp.

Sa botong 168 at walang tutol, inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10442.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng 25 taong prangkisa ang Air Philippines upang mag-operate ng domestic at international air transport services.

Isa sa mga kondisyon ng prangkisa ang paglikha ng trabaho at pagsunod sa labor standard na itinatakda ng batas.

Pinagbabawalan ang Air Philippines na ipahiram, iparenta, ibenta o ilipat sa iba ang prangkisa nang walang pahintulot mula sa Kongreso.

Pinagsusumite ang Air Philippines ng taunang report sa Kongreso upang malaman ang mga ginawa nitong hakbang para makasunod sa kondisyon ng prangkisa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?