29

Sep 30, 2019 @ 14:16
By

Air Force bagsak ulit kay Galanza, Creamline

Nagbalik sa aksiyon si Alyssa Valdez para sa defending champion Creamline sa 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims sa The Arena, San Juan City, Linggo ng gabi.

Saya ang hatid niya dahil nadomina ng Cool Smashers ang PH Air Force sa ikalawang sunod na mabilisang straight sets victory, 25-15, 25-16, 25-18, tungo sa 11-0 at makasigurado ng Final 4 playoffs sa midseason women’s volleyfest.

Galing si Valdez sa 2 games absent dahil sa right foot injury.

Kumamada si Jema Galanza nang 21 points sa likod ng 18 attacks at 3 service aces upang trangkahan ang ang opensiba ng Creamline, habang alalay nang 13 spikes si Michael Gumabao upang patirin ang limang sunod na salanta ng Lady Jet Spikers at bumaba sa 5-6 sa pagkatengga sa sixth place.

May hatid si Kyle Negrito na 24 excellent sets upang bigyan ang Cool Smashers nang 45 attack points na dumehado sa PAF kahit may 10 pts. si Jozza Cabalsa.

Sinangkalan naman ng Choco Mucho (5-6) ang 24 markers ni Katrina Mae Tolentino para magantihan ng Choco Mucho ang 1st round tormentor Pacific Town Army (6-5), 25-20, 17-25, 21-25, 25-11, 15-8. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?