29
Air Force bagsak kay Pablo, Motolite
By

Air Force bagsak kay Pablo, Motolite

Winalis nina Myla Pablo at Motolite ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers, 25-14, 25-18, 25-23, sa first game, Miyerkoles sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference, FilOil Flying V Centre.

Namuno si Pablo sa opensa kanyang 15 puntos, 14 mula sa atake, kasama ang isang block katuwang si Tots Carlos na may 14 points at Isa Molde na umiskor ng 10.

“The first and second sets were convincing. Now, the third set, we started slow. Because of the way we started, we noticed as we continued playing, we struggled. We seemed to be making effort in things that we supposed to do effortlessly,” pahayag ni head coach Godfrey Okumu.

“I hope on coming Sunday, we work on how to keep the momentum going. Again, our opponents also are a strong team. We just have to keep it there.”

Akyat sa 3-1 win-loss record ang Motolite.

“Noong third set talaga, naunahan kami sa score. Malayo pa naman ‘yun, kaya pang habulin. Ayun, tulong-tulong lang kami as a team,” sambit ni Pablo.

Susunod na makakatapat ng Motolite ang Pacific Town Army Lady Troopers sa darating na Setyembre 4, Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?