12

Oct 21, 2021 @ 17:31
By

AIMAG lalarga sa Nobyembre 2023

Sa Nobyembre 2023 matutuloy ang ikaanim na Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) na gaganapin sa Thailand, ayon sa Olympic Council of Asia (OCA).

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, Nobyembre 17-26, 2023 ang itinakdang petsa ng AIMAG.

Matatandaang sa Marso ng 2022 dapat gaganapin ang naturang palaro ngunit pinausad ito ng pamahalaan ng Thailand bunsod ng pangamba sa COVID pandemic.

“The OCA fully understands and respects the decision of the NOC of Thailand, Thailand AIMAG Organizing Committee and the Royal Thai government to postpone (the Games) due to the COVID-19 global pandemic,” pahayag ng OCA.

Una ng inanunsyo ni Tolentino na 160 atleta ang ipapadala ng Pilipinas sa AIMAG na sasabak sa 21 na sporting event.

Ginaganap kada apat na taon ang palaro at huling idinaos ng 2017 kung saan dalawang ginto ang napanalunan ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?