89

By

Aiko umamin sa pantasya kay Marian

Sharing is caring!

Tomboyan???

Alden humamig ng nakakabinging tilian Fans dismayado kay Julia Barretto

Matagumpay na nairaos ng mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang kanilang 31st Star Awards for Television na ginanap sa Henry-Lee Irwin Theater, sa Ateneo De Manila University.

As usual, ang lakas ng sigawan ng mga utaw nang tawagin ang pangalan ni Alden Richards bilang winner Best Single Performance By An Actor para sa Lenten Special ng Eat Bulaga na Kapatid.

Grabe, as in masakit sa tenga ang nakakatulig na sigawan ng mga nasa audience. Ganun din ang nangyari nang dumating si Joshua Garcia na dumaan sa mismong audience entrance,
although marami ang nadismaya na walang Julia Barretto na dumating.

Yun pala ay nasa shooting ito ayon mismo kay Joshua na mag-isang tumanggap ng special award na German Moreno Power Tandem kung saan si John Nite ang nag-represent sa yumaong Master Showman.

Pinasaya naman ni Vic Sotto ang lahat ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award dahil sa mga biro niya na ang tumatanggap daw nito ay ang mga may edad na o magkakaedad na samantalang 53 years old lang naman daw siya.

Aba, kung hindi nga raw sa pagpu-push sa kanya ng kanyang asawang si Pauleen Luna ay baka hindi siya pumunta. Pero, joke time lang daw ito dahil kahit ano ang mangyari ay pupunta siya para tanggapin ang award na ito na hindi raw lahat ay nabibigyan.

Bukod sa kanyang asawa, inialay niya ang award na ito sa kanyang anak na si Talitha at mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga lalong-lalo na raw sa ‘kapatid’ niyang si Joey de Leon at ‘best friend’ na si Tito Sotto.

Sigawan din ang mga utaw sa production number nina Elmo Magalona, at Janella Salvador.

Again and again, ilang ‘tie awards’ ang ipinamahagi ng PMPC, pero ang tumatak ay ang pagta-tie nina Dngdong Dantes at Ruru Madrid para sa kategoryang Best Drama Actor.

Si Dingdong para sa teleseryeng Alyas Robin Hood, at si Ruru para naman sa Encantadia.

Inialay ni Dingdong ang kanyang award sa kanyang asawang si Marian Rivera na kasama niyang dumalo at sa kanilang anak.

Si Ruru naman na naging emosyonal ay inialay sa kanyang lolang namayapa na at siyang numero unong tagahanga raw niya.

Maraming kategorya na hindi nakadalo ang mga mismong winners katulad nina Vice Ganda na nasa New Zealand pa, si Boy Abunda na may prior commitment, si Willie Revillame at ilang newscasters.

Napatili naman si Aiko Melendez nang tanggapin niya ang kanyang award bilang Best Drama Supporting Actress para sa Wildflower. At wala siyang paki na ianunsiyo na girl crush niya si Marian Rivera kaya natuwa siya nang makita niya ito sa harap ng upuan.

Madamdamin din ang mensahe ni Ms. Sylvia Sanchez na siyang nagwagi bilang Best Drama Actress sa kanyang very well-deserved na performance sa The Greatest Love.

For the nth time, ang ABS-CBN ang nanalong Best Station sa kategoryang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?