90

Oct 18, 2021 @ 21:16
By

Aiko sa pagkumpara kay Ms. Mexico: ‘Same initials lang’

Kung mayroon mang magkamukha kay Aiko Melendez at Miss Universe 2020 Andrea Meza, ito raw ay ang initials ng kanilang pangalan.

Ito ang reaksyon ni Aiko matapos siyang tadtarin ng mga netizen sa social media dahil hawig niya raw si Meza, na tubong Mexico.

Napansin ito ng mga netizen sa larawan ni Meza kasama si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Kaya naman, dinaan na lamang ni Aiko sa biro ang pagkukumpara sa kanya kay Meza.

“Ang dami nanamang nagtatag sa akin ng Picture na ito with our Queen Pia. Ok fine claim ko na Hindi ako si Ms Universe ahahaahha,” pahayag ni Aiko sa kanyang Instagram post. “How I wish! Kahawig ko lang hehehehhe!”

“Andrea Meza, same initials lang kami,” aniya. “AM for Aiko Melendez from Quezon Citeeeeey! Happy Sunday! For fun lang itey… kalma ako lang to.”

Sina Meza at Wurtzbach ay nagkasama sa isang beauty pageant sa South Africa kamakailan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?