578

By

Aiko sa garahe niligawan ni Mayor Jay

Nakakaloka ang rebelasyon sa love story nina Aiko Melendez at Mayor Jay Khonghun ng Subic na ibinunyag ang panliligaw ng huli sa aktres sa garahe.

Yes, nililigawan ni Mayor Jay si Aiko sa mismong garahe ng Kapamilya actress.

Kuwento mismo ni Mayor Jay habang nakasalang sila sa podcast show namin ni Dondon Sermino, ang ‘Abantelliling’, sa garahe ni Aiko sila nagkikita para sa panliligaw nito dahil ayaw nga ni Aiko na makita nang kanyang mga anak na may suitor sya.

That time kasi talagang ayaw muna ni Aiko na magkadyowa at ito rin naman ang sinabi niya sa kanyang mga anak.

Komo nga ayaw ni Aiko magpaligaw sa labas lalo’t laki siya sa tradisyon at kultura ng Pinoy na ang mga babae ay sinusuyo sa loob ng bahay nito, kahit sa garahe doon nya ini-entertain si Mayor Jay.

Nang maging sila ni Mayor Jay, sa loob na ng sala pinapatuloy ni Aiko ang kasintahan, at unti-unting nakilala ng kanyang mga anak ang public servant.

Sabi nga ni Aiko, hindi basehan na kahit may mga anak ka, ay hindi ka na dapat ligawan at suyuin sa loob ng bahay ng kahit sino.

Oo nga naman, kasal si Aiko nang dalawang beses at niligawan rin naman siya ng kanyang mga ex sa kanyang bahay.

Sa kuwento pa ni Mayor Jay, madali para sa panganay ni Aiko na si Andre na iparamdam at ipaliwanag ang kanilang relasyon.

Bagama’t hindi naman sinabi nina Mayor Jay at Aiko na nahirapan silang dalawa na ipakilala sa anak niyang babae na si Marthena ang kanilang love affair, sinabi ng Father of Subic na dumaan sa proseso na ipakilala sya bilang kasintahan ng mommy nito.

Anyways, pagdating sa usaping kasalan, ayaw ma-pressure ni Aiko at ni Mayor Jay tungkol dito lalo’t dalawang beses nang ikinasal at na-annul ang kasal ng aktres.

Gusto raw muna nilang i-enjoy ang kanilang pagmamahalan ngayong one year na ang kanilang relasyon.

Panay ang sabi ni Aiko na bagama’t lagi siyang inaalaska at ini-inis ng boyfriend, napakabait nitong tao at dedicated sa kanyang pagtulong sa nasasakupan, kaya niya minahal at tinanggap ito sa kanyang puso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?