106

Sep 24, 2021 @ 20:34
By

Aiko papatayin kung ‘di aatras sa pagtakbo

Naawa si Ogie Diaz para sa kaibigang si Aiko Melendez dahil nakakatanggap daw ito ng pagbabanta sa buhay sa pagtakbong congresswoman ng District 5 ng Quezon City.

“Ang nakakaloka nito, Loi, ay talaga namang kawawa naman si Aiko. Eh jusko, tinatanggal ang kanyang mga tarpaulin. Ang nakakaloka, may banta kay Aiko,” pagbubunyag ni Ogie sa kanyang vlog.

“Ang sabi: ‘Ingat lang nakamasid kami sa lahat ng galaw mo. Kung ako sa’yo, ‘wag ka na tumuloy tumakbo. Alam namin lahat pati saan ka nakatira at kung saan ka ngayon. Mag-isa ka ‘di ba?’ So, nananakot. Death threat ito,” patuloy ni Ogie.

“Halatang kalaban sa politika. Mukhang nalalakasan sila kay Aiko Melendez sa District 5 ng Quezon City,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?