191

By

Aiko, Jomari 2 taon nang hindi nag-uusap

Bilang respeto kay Jomari Yllana at sa partner nitong kapapanganak pa lamang, hinihiling lagi ni Aiko Melendez na huwag nang pag-usapan ito kapag ini-interview siya lalo na ngayon na sagaran din ang promo niya sa pelikulang Rainbow’s Sunset na entry nila sa darating na MMFF 2018.

Hindi naman niya ipagkakait ang impormasyon na halos dalawang taon na silang hindi nag-uusap, pero paminsan-minsan ay nagkikita naman ito ng kanilang anak na si Andre.

Bilang ama, hindi naman niya ipagkakait dito ang karapatan na maging maganda ang relasyon nila lalo na’t kailangan ni Andre ang isang father figure. Pero, silang dalawa, may dedmahan factor pa muna.

Pero, pagdating naman daw a sa anak niyang si Marthena, wala siyang problema sa ama nitong si Martin Jickain at sa asawa nitong si Maggie na naka-based na pareho sa Boracay.

Friends at text mates nga raw sila lalo na kapag ang concern ay tungkol sa anak niyang si Marthena.

So far, so good ang kanilang relasyon na siyempre pa ay ikanatutuwa naman ni Aiko lalo na’t pa-bagets na rin ang kanyang unica hija na kailangan din ang father figure.

Samantala, kinontra ng Kapamilya actress ang tungkol sa isyung siya lamang daw ang nagmamahal kay Subic Vice Mayor Jay Khonghun dahil siya lang daw ang nagpalagay ng tattoo ng pangalan nito sa kanyang wrist tanda na panghabambuhay na niya itong mamahalin.

Ang hindi nga raw nila alam dahil ayaw naman itong ipakita pa ni Vice Mayor, naka-tattoo rin ang pangalan niya sa katawan nito.

‘Yun naman pala, e!

Excited din si Aiko na ilang araw na lang ay mapapanood na ang pelikulang maaaring magbigay sa kanya ng Best Supporting Actress nomination o kundi man ng award mismo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?