33

Jan 19, 2021 @ 18:54
By

Aiko imbiyerna kay Jomari

Inamin ni Aiko Melendez na hindi siya galit sa ex-husband na si Jomari Yllana kundi buwisit siya rito.

Sa pag-guest ni Melendez sa Jan. 16 vlog ng talent manager na si Ogie Diaz ay napag-usapan nila ang tungkol kay Jomari, ang ama ng panganay niyang si Andre.

Tinanong ni Diaz kay Aiko, “Galit ka ba kay Jomari Yllana? Sa tatay ng iyong panganay na anak?”

Sinagot ito ni Melendez ng: “Hindi ako galit sa kanya, buwisit ako sa kanya.”

“Kasi may sinasabi siyang hindi nangyayari. May pangako kay Andre na hindi nangyayari,” patuloy niya.

“So ‘yung sama ng loob ko o kabuwisitan ko is more for my son sabi ko nga bumabawi naman siya, sana consistent siya ngayon. Nagkita sila nu’ng Christmas, three times, kasi dati wala talaga. So medyo may improvement na,” dagdag niya.

Panoorin sa ibaba ang buong vlog ni Diaz:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?