88

Aug 12, 2020 @ 17:21
By

Aiko balik alindog ngayong quarantine

Ginulantang ni Aiko Melendez ang kanyang mga follower nang mag-post ng kanyang quarantine body.

Bagets na bagets ang look ni Aiko habang nakasuot ng swimsuit.

Sa panayam sa kanya sa telebisyon, sinabi ni Aiko na bumaba ang timbang niya mula nang bawasan niya ang pagkain ng calorie nitong quarantine.

Ngayong nasa bahay daw kasi siya ay nababantayan na niya ang kanyang mga kinakain.

“At least sa bahay lang ako. Monitored ko ‘yung pagkain ko, so I have to prepare my meals. Talagang kina-count ko ‘yon. May app ako to count all the food I eat, so disiplinado talaga and the lifestyle talaga, to change it,” wika ni Aiko.

Umani ng maraming likes ang post niyang nakasuot ng pink one-piece bikini.

View this post on Instagram

❤️❤️❤️

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?