16

Jan 15, 2021 @ 18:55
By

‘AiDeLai’ face mask ibinabala ng FDA

Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa paggamit ng disposable face mask na may brand na “AiDeLai”.

Sa kanilang advisory, hindi pa raw dumaan sa kanilang screening process ang naturang face mask at wala ring notification certificate.

“The above mentioned medical device product is not notified and no corresponding Product Notification Certificate has been issued,” pahayag ng FDA nitong Biyernes.

Dahil dito, ayon sa ahensya, ipinagbabawal ang paggawa at pagbebenta ng nasabing face mask sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?