19

By

Aicelle Santos nagpaiyak ng Kapuso reporter

Sharing is caring!

Mahigit na isang buwan din ang naging bakasyon ng GMA news correspondent na si Mark Zambrano sa United Kingdom para makasama ang kanyang fiancee na si Aicelle Santos.

Kasalukuyang nagpe-perform si Aicelle sa Miss Saigon UK Tour bilang si Gigi.

Sa pamamaalam ni Mark sa airport para makabalik na siya ng Pilipinas, heto ang naging emotional na mensahe niya sa kanyang fiancee na muli niyang mami-miss…

“It finally sunk in that we were blessed to have spent more than a month together in UK mahal. But I’m on a train home without you and I’m teary-eyed. I’m torn between the sadness I feel for leaving you again, the longing for my family back home, and the excitement I feel for December when I get to hold you in my arms again. This experience made us grow as a couple and learned so much about you and about us. And I can not wait to marry you @aicellesantos . Mahal na mahal po kita and I miss you already. #AiMarkinUK” caption ni Mark sa Instagram post account niya.

Nag-post din si Aicelle ng kanyang mensahe sa IG para sa kanyang fiance na babalik na sa trabaho nito sa Pilipinas.

“I’ll miss you. Please be safe for me… Mahal na mahal na mahal po kita.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?