211

Dec 21, 2017 @ 14:25
By

Aicelle at Mark, umaapaw sa sweetness sa 20th monthsary

Hindi pa man engaged ang magkasintahang sina Aicelle Santos at GMA news and public affairs field reporter Mark Zambrano ay para na silang pakakasal kung magpalitan ng monthsary messages.

Sobrang tamis at lagkit ang monthsary greet nila sa isa’t isa sa kani-kanilang Instagram account ang magkasintahan.

“I will love forever” at “napakasuwerte” ang description ni Aicelle sa nararamdaman niya para sa boyfriend.

@aicellesantos, “Happy 20th monthsary to this boy who i love and will love forever. Thank you being all that you are mahal ko. Napakasuwerte ko po. Mahal na mahal kita @markzambrano.”

Ang caption ay sa kissing photo nila ng boyfriend sa stage habang hawak ng singer ang bouquet of flowers.

Kinilig nga ang mga followings ni Aicelle sa umaapaw na love niya para kay Mark.

Selfie shot naman nilang dalawa ni Aicelle ang pinoste ni Mark sa kanyang IG wall na recent lang kinunan dahil naka-background sa likod nila ang isang Christmas tree.

Ang holiday season din ang isa sa mga punto ni Mark sa inaasahan niyang more holidays at monthsary to come sa kanilang dalawa ni Aicelle.

Kung malagkit ang pag-ibig ni Aicelle kay Mark, nilalanggam naman ang love ng reporter sa girlfriend sa mensahe nitong “mahal na mahal kita.”

@markzambrano, “Happy 20th mahal @aicellesantos! I can’t believe we’re spending our 2nd christmas together in a few days. Here’s to 20,000 more holidays. Mahal na mahal po kita!”.

Ayon naman kay Aicelle sa presscon at press preview ng MMFF2017 movie entry nilang ‘Larawan’, na pinagbibidahan nina Rachel Alejandro at Joana Ampil, kabituin din si Paulo Avelino at marami pang big stars, wala pa raw silang engagement ni Mark.

Well, sa dami ng nagpu-push na mag-propose na si Mark kay Aicelle ay hindi na kami nagtataka kung nape-pressure na ang dalawa. But then again, happy lang sila sa estado ng relationship na meron sila now.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?