140
Aicelle-Santos
Mar 19, 2018 @ 16:45
By

Aicelle, kay Mark lang gustong gumiling gabi-gabi

Sa paghahanda ng Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos para sa pagganap niya bilang si Gigi sa Miss Saigon ay kailangan niyang pag-aralan ang ilang sexy dance moves.

Isang bar girl si Gigi sa naturang musical na unang ginampanan ni Isay Alvarez in 1989 at noong 2014 ni Rachelle Ann Go. Ipinakita ng bagong Gigi Van Tranh kung paano siya nagpatulong sa kanyang fiancé na si Mark Zambrano sa paghahanda sa mga sexy dance number niya sa Miss Saigon.

Post pa ni Aicelle sa kanyang Instagram account: “Pwede bang ikaw na lang lagi ang sasayawan ko doon mahal ko @markzambrano?”

Thankful si Aicelle sa kanyang dance teacher sa pagtuturo sa kanya para isabuhay si Gigi on stage kahit na ilang araw lang bago siya umalis.

“Shout-out to my awesome dance teacher, Arnold Trinidad!” post ni Aicelle Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?