Ai Ai vs. Regine sa biritan

Sharing is caring!

Certified recording artist na naman si Ai Ai delas Alas. Pinapirma siya ng recording contract ng GMA nitong nakaraang araw.

“It’s official… I am GMA recording artist…o ha hehehe,” caption sa IG ni Ai habang pumipirma ng kontrata kasama ang GMA Records executives.

Maging ang followers ni Ai Ai ay excited sa pagpirma niya. Paglilinaw niya sa isang sagot, single muna ang gagawin niya. Binati rin siya ni Direk Louie Ignacio. Sagot niya sa kaibigang
director, “Hahaha kung ano-ano na lang direk.”

Sa mga hashtags niya inilabas ang kanyang emote gaya ng #walangbasaganngtrip #kayakoto #labanaiai #walangpinipili #exbwidaiai #collaborationexbandai.

At least, bongga ang advance birthday gift kay Ai Ai ng GMA Records, huh! Malapit na ang kaarawan ni Ai.

Si Regine nga pala ang type niyang tapatan sa GMA bilang singer. Pero siyempre, joke lang niya ‘yon. Ha! Ha! Ha!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?