97

Jan 2, 2018 @ 15:10
By

Ai Ai umamin sa harutan kay Alden

Maagang nagbigay ng birthday message si Ai Ai delas Alas sa anak-anakan niyang si Alden Richards. Naglabas siya ng collage ng pictures nila ng Pambansang Bae sa Instagram with matching emo message.

“Ako ay kanyang lola, nanay, ka-officemate sa SPS, katsismisan, kaharutan, at higit sa lahat kaibigang maaasahan…

“Sa saya man o kalungkutan o iyakan…happy bday arsheyyyy, rj mr. harot, takaw, den…mula sa aking asawa at sa 2 mo kapatid saken di man kita nailabas sa aking sinapupunan ay mahal kita bilang anak ko kasama na din ang pagmamahal nilang kapatid mo ni Sophia at Sancho… GOD BLESS YOU MORE batang mabait nakakatawa at malikot na maharot…GOD BLESS YOU MORE…dito lang kami para sayo @aldenrichards02,” saad ni Ai Ai.

Sa panig naman ni Alden, meron siyang birthday special ngayong Sabado sa Eat Bulaga. Nakatakda rin siyang magpasalamat sa kanyang fans sa pamamagitan ng pagti-treat niya sa mga ito ng isang araw sa Enchanted Kingdom, huh!

Happy, happy birthday, Alden!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?