12

By

Ai-Ai tumodo sa landian kay John

Sharing is caring!

Harutan at landian talaga sina Ai-Ai delas Alas at John Estrada nang maglaban sila sa Lip Sync Battle Philippines last Sunday. Bentang-benta sa audience ang kulitan nila at aliw na aliw sa kabaliwan nila, huh!

Eh si John kasi, kahit may asawa’t mga anak na, seksing-seksi pa rin ang dating kaya yummy ang looks niya lalo na kapag gumigi­ling ang katawan niya! Si Ai-Ai naman, todo-bigay rin sa panghaharot kay John kahit may asawa na rin siya, huh! For art’s sake kumbaga dahil hindi naman seloso ang hubby niyang si Gerald Sibayan, huh!

After ng guesting sa LBP, mapapanood si John bilang kontrabida ni Alden Richards sa ‘Victor Magtanggol’ habang si Ai-Ai ay isa sa judges ng bakbakan ng aspiring singers sa ‘The Clash’ na mapapanood simula sa July 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?