217

Jan 3, 2018 @ 15:47
By

Ai Ai sinupalpal ang bastos na fans ni Alden

Nadamay ang anak na babae ni Ai Ai delas Alas na si Sophia sa pamba-bash ng ilang netizens sa pinost na birthday message ng Comedy Queen kay Alden Richards sa Instagram nu’ng January 2.

Pamilya na kasi ang turing ni Ai Ai kay Alden at hindi lang katrabaho na inilagay niya sa caption ng collage ng photos nila ng Pambansang Bae. Maraming natuwa sa turing niya sa Pambansang Bae kaya bumuhos ang pasasalamat kay Ai Ai sa followers niya sa komentong umabot sa mahigit 200 as of this writing.

Pero may ibang bitter na kinuwestiyon kung bakit family na ang turing niya kay Alden. Tanong nila, “Bakit may relasyon na ba sila ng anak (Sophia) mo?”

Deleted na ang ibang mga komentong ito nang balikan namin.

Magkasunod na sinupalpal ang netizen ng Kuya Sancho ni Sophia at sinegundahan ni Gerald (Sibayan). Maging ang ibang followers ni Ai Ai ay kinuyog ng bumanat na ‘yon sa anak ni Ai Ai.

Patol naman ni Ai Ai, “Hello ka nang hello diyan wala ka namang phone!”

Tameme na ang netizen na ‘yon and for sure, blocked na ‘yon sa IG ni Ai Ai! (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?