269

Nov 22, 2019 @ 15:54
By

Ai Ai sa mali-maling pagkanta sa ‘Bang Bang:’ Na-stress kasi ako!

Pinaliwanag ni Ai-Ai delas Alas kung bakit mali-mali ang lyrics nang kantahin niya ang kantang “Bang Bang” nina Ariana Grande, Jessie J, at Nicki Minaj.


“inaral ko talaga to at lahat ng mga kanta ko tuwing may concert ako or number … ewan ko ba pag na stress ako parang yung letra sa teleprompter nawawala sa paningin ko,” caption niya sa Instagram.

“kahit anong gawin ko memorize parang d ko mamemorize kanta,” dagdag pa niya.

Nilakip din ni Ai-Ai sa IG post ang nag-Facebook viral na clip ng Nov. 4 performance niya with the all-female quartet na XOXO sa GMA-7 singing contest na “The Clash.”


Una nang nagkomento si Ai Ai sa clip at nagpasalamat dahil natawa siya sa sarili niya.

View this post on Instagram

Hahahhahahaa ayos natawa ko dito tnx netizens ?

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?