170

Dec 21, 2017 @ 15:57

Ai Ai rumesbak sa tumawag ng jinx kay Alden

Binuhay na naman ng ilang netizens ang pagkaka-link noon nina Alden Richards at Julie Anne San Jose nang i-post ni Ai Ai delas Alas ang video ng Christmas party ng mainstays ng Sunday Pinasaya. Komo magkasama sa GMA Sunday show ang dalawa, natural na present sila pareho sa party na ‘yon.

Labo-labo na naman ang followers ni Ai Ai nang ilabas niya ang video na ‘yon kahit na nga magkahiwalay ng upuan sina Alden at Julie Anne. Umiral muli ang pagiging nanay-nanayan ni Mrs. Gerald Sibayan kay Alden na dumepensa sa bashers nito.

Nadadamay rin kasi ang anak niyang si Sophia kaya nakipagbalitaktakan siya sa ilang netizens na sagad-to-the-max kung laitin si Alden na tinawag pang jinx.

“Yes anak ko yan hehe… Pati nga si Sophia bina-bash niyang mga yan kawawa naman anak ko. Kunsabagay walang kuwentang tao naman yang mga yan…yan na lang alam gawin… and sabi nga para kang sumabunot sa kalbo pag patol ka…” buwelta ni Ai sa isang netizen.

Pagdating naman sa presence ni Julie Anne sa party, sagot ng Comedy Queen, “Yes dedma pero isa lang ang sasabihin ko bago magsalita, isip din muna ‘wag pakabobo kasi si Alden e nasa kabilang lamesa, asawa ko po nagbi-video at masaya ang party namin at saka lahat na lang nabibigyan ng kahulugan kaya tingin ko diyan narindi si Maine kakaganyan niyang mga fans na yan sobra namimihasa,” talak pa ni Ai Ai. (Jun Nardo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?