aiai1
By

Ai-Ai patuloy sa pagtulong kay Jiro Manio

Sharing is caring!

Bilang nanay-nanayan ni Jiro Manio sa showbiz, hindi kinalimutan ni Ai-Ai delas Alas ang samahan ang kanyang anak-anakan sa ika-26th birthday celebration nito.

Nakakatuwa ngang isipan na siya pa mismo ang humawak ng birthday cake ni Jiro sa pag-blow nito ng kanyang candle.

Tumaba na si Jiro at mamang-mama na ang dating, pero sa kabila nito ay nandun pa rin ang kanyang baby face na siya namang tatak niya kahit noong siya ay child actor pa.

Alam naman ng buong mundo ang pinagdaanan ng magaling na aktor, pero base naman sa kuha niya, mukhang naka-recover na ito nang husto.

Actually, karamihan nga sa mga post nito sa kanyang socmed account ay tungkol sa Diyos na at biblical passages.

Hiling ni Ms. Ai Ai na makabalik na sa showbiz ang kanyang anak-anakan na kahit kaylan ay hindi nito iniwan sa gitna ng problema nito.

Kahit paminsan-minsan ay may nasasabi pa sa kanya ang ibang netizens, pero pinanindigan pa rin niya ang kanyang buhos na pagtulong dito na ayaw na niya niyang ipa-publish para wala nang masabi pa ang ibang tao.

Sa totoo lang, napaka-significant sa kanya ang Mother’s Day, dahil bilang isang ina ay ginawa niya ang lahat upang mabigyan na maayos ang buhay hindi lamang ni Jiro kundi maging ang kanyang mga tunay na anak.

O, ‘di ba?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?