143

Dec 15, 2017 @ 12:17
By

Ai Ai, nanawagan para sa nawawalang Papal medal

Nanawagan si Ai Ai delas Alas sa kanyang Instagram account para sa nawawala niyang ‘Papal medal’.

Nawala ang medalya noong kasal ni Ai Ai ng nakaraang Martes na ginanap sa Christ The King Church sa Greenmeadows.

Nakaposte sa IG wall ng komedyana ang larawan nila ng kanyang anak na si Sancho na kuha sa kasal at naka-encircle ng black ink ang medalyang nakasabit sa kanyang damit.

Kampante si Ai Ai na hindi isa sa kanyang mga bisita ang nakapulot ng medalya, kundi ang mga taong dumalo sa sumunod na event matapos ang kanyang kasal.

@msaiaidelasalas, “Sa aking mga followers baka sakaling ‘yung sumunod na kasal nung Dec. 12, ay may kamag-anak kayo na nakakita nitong PAPAL MEDAL KO… suot ko nung kasal nahulog sa church sure ako dun nahulog kasi yung huling picture ko sa church wala na siya… (CHRIST THE KING GREENMEADOWS) baka may nakakita pls pakibalik na lang po, napaka-importante nito saken pls. text +639277306499… Look for marissa, maraming salamat po.”

Hindi kataka-takang mangarag si Ai Ai sa pagkawala ng medalya dahil isa itong pagkilala ng Simbahang Katoliko sa tulong at suporta niya hindi lang sa mga Catholic churches kundi sa mga mahihirap na nangangailangan.

Samantala, sa Japan ang honeymoon ng bagong kasal na sina Ai Ai at Gerald Sibayan.

Nakaposte sa IG account ng komedyana ang paglalaro nila ng asawa niya sa snow.

@msaiaidelasalas, “KAWABA SKILAND (gunman pref. Japan) TO GOD BE THE GLORY – Thank you LORD nakaka-experience kami ng ganito and nakakapunta kami sa ganitong lugar na sobrang lamig nakahiga na din ako sa snow… #isasabucketlist #feelsohappy #feelsoblessed #honeymoonsajapan.” (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?