73

Jun 22, 2022 @ 16:25
By

Ai-Ai nag-shopping sa QC: ‘Hindi ako nag-alala o natakot’

Walang kakaba-kaba na nilibot ni Ai-Ai delas Alas ang isang mall sa Quezon City nitong Martes kahit pa idineklara siyang persona non grata ng lokal na pamahalaan ng lungsod.

Ayon sa report ng PEP, kasama ni Ai-Ai na nag-shopping ang anak na si Seth at alagang aso na si Sailor. Namasyal na raw ang komedyante dahil babalik na siya sa Amerika.

Kamakailan, inaprubahan ng Quezon City government ang pagdedeklara kay Ai-Ai at kay direk Darryl Yap bilang mga persona non grata dahil sa pambababoy umano ng official seal ng lungsod.

Sa kabila nito, tuloy lang si Ai-Ai sa pamumuhay bilang residente ng Quezon City.

“Hindi ako nag-alala o natakot dahil alam ko namang wala akong nilabag na batas sa Quezon City,” saad ng aktres. “Bata pa lang ako, taga-Quezon City na ako at saka hindi naman lahat ng tao rito, hindi ako welcome.”

Ikinatuwa rin umano ni Ai-Ai na mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng mga taga-QC.

“Sabi nga nung isang mommy na nakasalubong ko, ‘Naku, Ai-Ai, palagi kitang pinapanood sa TV tuwing hapon, pa-picture naman,'” aniya. “Na-touched nga ako dahil marami ang nagpa-picture na kasama ako.”

“Dun sa isang restaurant, nag-video pa yung staff. Ang sabi nila, ‘Welcome back, Ma’am Ai-Ai!’ kaya hindi ko naramdamang persona non grata ako sa Quezon City,” dagdag pa ng komedyante.

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?