By

Ai Ai, may natutunan sa mga batang kalye

Sharing is caring!

Matapos pagdudahang mga gumagamit ng rugby, nagpakain si Ai Ai delas Alas sa mga batang kalye sa isang fast food chain.

Ito ang tinatawag ni Ai Ai na lesson learned at realization na sinamahan pa niya ng maagang pamasko.

Naka-post sa Instagram account ng Concert Comedy Queen ang dalawang magkatabing larawan habang nakikipag-usap siya sa mga batang kalye na lumapit sa kanyang sasakyan.

Naaaliw lang si Ai Ai sa naging eksena niya at encounter sa mga bata na humihingi sa kanya ng limos at inakala niyang ibibili lang ng rugby ng mga ito ang ibibigay niya kaya nagdalawang-isip siyang bigyan ang mga ito.

@msaiaidelasalas, “Hindi naman ako normally nagpo-post ng mga ganito pero gusto ko lang ikwento kasi baka may mapulot kayong aral sa experienced ko.

Normally din kapag nakakakita ako ng mga bata sa lansangan lalo na dito sa may Timog mga mukang nag r and b sila (rugby) kaya ayoko silang bigyan ng pera and alam ko bawal na din e…eto usapan.”

“Marginalized children o MC: Ate Ai pengeng pangkain.

Ai Ai: Naku, mukhang ido-droga nyo lang e..tignan mo te taas tama mo ang putla na (yung naka-green na beking bata)
MC na nakaitim (wala sa pic): Ate Ai para magtiwala ka na lang bili mo na lang kami pagkain – (dito medyo naantig ang puso ko.)
Ai Ai: Ahh ok sige ganun na lang. Sige baka dyan na lang sa 7/11.
MC: Yeheyy ate sa McDo na lang
Ai Ai: Nakakaloka namili pa..cge bili ko kayo, wait nyo ko.”

“At bumili ako ng request nilang McDo..at eto pic nato kinukuhanan pala ko ni Francis my friend na kameeting ko..ang saya ko kasi ang saya saya ng mga bata…na ang swerte ko at mga anak ko di ko naranasan yung buhay nila..sabi ng kaibigan ko si Michael @sakosimichaelangelo ang totoong essence ng buhay kapag nabubuhay ka para SA IBANG TAO…GOD BLESS EVERYONE.”

Marami ang nag-share ng kanilang karanasan sa mga batang kalye o lansangan sa post comments ng kanyang mga followings.

Itinuturing ng mga itong maaga ang pagbibigay ng pamasko ni Ai Ai sa mga batang palaboy-laboy. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?